Ang Niknik bow...
Gumabi na...sa Apo Reef - at dumating na ang iniintay namin - ang pagatake ng mga niknik. Pero di naman nito sinira ang gabi namin...bagkos! yes malalim po na salita yan! Ay nakisama ang panahon samin. Biglang humangin ng malakas...si Amihan napadaan...in fairness kung di dahil sa kanya eh papapakin kami ng niknik buong magdamag. Pero nasobrahan yata dahil yung tent na sinet-up sa harap ng headquarters eh napunta sa kabilang ibayo ng isla kung san kami nagwasakan ng ulirat. One word: AMAZING!
The Wasak
Panu nga ba kami nagwasakan...ah ganito nga pala...isang bote ng gin at kool-aid sa isang galon ng mineral water. Resulta: pitong baso ang nalaklak ko...ang kinatapusan - imbis sa tent natulog - sa Buhangin ako inabot ng antok. Sana di namin nabulabog ang mga nangingitlog na mga pawikan..pasensha na...wala kasing sand sa Maynila...hahaha! At sana ok sila sa mga music na pintugtog namin lalong-lalo na ang Pretty Boy ni M2M...oh diba..sana nagustuhan nila...
The Basag
Sino nga ba ang basag? Lahat kami..pero nauna si Eden, sumunod ako...at teka english to: The next thing I know, it's 5:30AM and it was just Me, Preckie, Ty and Ken snoring by the beach. Oh and don't forget Ver who slept beside the bonfire na wala ng fire...T_T
No comments:
Post a Comment